So, Anong Planner Ka?

May dalawang type daw ng tao sa mundo: ang mga planner at ang mga spontaneous.

Pero sa tingin ko, walang taong spontaneous - meron lang flaker at indecisive. Lahat tayo, nagplaplano. Nagkakatalo lang sa pagkabongga (time investment x emotional investment x gastos) at sa execution. At para panindigan ang opinyon kong walang taong spontaneous, heto ang classification ko ng mga planners:

Ang OA Planner

01-OA

Also known as, “Pasan ko ang daigdig” planner. Para sa kanya, there’s only one plan - at plano niya yun. And it will seem like it’s always a matter of life and death - maski ang panonood ng latest na sine. Speaking of sine, most of the time, feeling ng isang OA planner e isang pelikula ang plano niya. At lahat ng tao sa paligid niya ay supporting roles lang, madalas nga ay extra lang. Aakuhin niya lahat ng responsibilities, pero magkaka-self pity moment siya na feeling niya ay alone siya in life.

 

Ang Paranoid Planner

02-Paranoid

Wala siyang tiwala nino man - sa mga tao sa paligid niya, minsan, sa sarili niya, pero most of the time, wala siyang tiwala sa life. Pero dahil doon, lagi naman siyang handa, may foresight siya at eye for details. Favorite word niya ang loopholes at siguro fan siya ng conspiracy theories.

 

Ang Flaker Planner

04-Flaker

Usually, bina-brand ng isang Flaker Planner ang sarili niya bilang spontaneous. And it just follows na paiba-iba siya ng plano. Maaaring sa una ay charming ang tingin mo sa kanya (lalo na kung crush mo siya) pero later on ay nakaka-frustrate dahil sobrang malabo lang siyang kausap, at nakaka-hassle na yun. May tendency rin siyang maging selfish and inconsiderate of other people’s lives and time

Ang Clingy Planner

03-Clingy

Kung familiar kayo sa TV series na Sex And The City, ang tawag nina Carrie Bradshaw sa Clingy Planner ay We-guy/We-girl. Ibig sabihin, para bang prefix na sa lahat ng plano niya ang English word na “we”. “We will go take photos in Quiapo.” “We will go shopping in Greenhills.” “When are we going to Nuvali to bike around?” Ang isang Clingy Planner ay para bang mamatay kung gawin niya ang plano niya mag-isa. Isa pang mark of a true Clingy Planner ay ang paulit-ulit na reminders tungkol sa plano ninyo - “Huy, ano na?

 

Ang Sneaky Planner

05-Sneaky

Siya na siguro ang opposite ng clingy planner dahil lahat ng plano niya ay secret. Malalaman mo na lang kapag nagawa na niya. At kahit kasama ka sa plano ay mystery ang lahat para sa iyo. Mahihilera mo na sa mga intelligence unit ang level ng discretion niya. Kapag tinanong mo siya kung kumusta ang plano, ang sagot niya ay either, “Wala naman” or “Ako na bahala.”  But don’t fret, most of the time, swak lang ang plans.

 

Ang Kaladkarin Planner

06-Kaladkarin

Kung kayang gawin ng iba, pagawa mo sa kanila.” ‘Yan ang mantra ng Kaladkarin Planner. Either tinatamad niyang mag-plan kaya nakiki-ride na lang siya sa plano ng iba or naiirita na lang siya sa OA Planner na lider-lideran kaya nag-le-let go na lang siya. Don’t mistake him or her to not have a plan. The master plan is to follow others’ lead.

 

Ang Witty Planner

07-Witty

Ito naman ang type ng planner na magiging good influence sa ‘yo para hindi lang hanggang March ka mag-jot down ng schedules, appointment, promises at doodles ng pangalan ng crush mo. Interactive ang isang Witty Planner. Di nauubusan ng sorpresa bawat araw - may funny, may witty, may kaloka, para naman ganahan kang mag-plan buong taon! Ito rin ang tanging planner na nagta-Tagalog!

Witty-2-01

 

Witty-2-02

 

Witty-2-03

 

Witty-2-05

 

So, sinong gusto ng isang Witty Planner? Magbibigay ako ng isa. Sorry, wish ko mang magbigay ng mas marami, gusto ko rin gamitin para sa sarili ko eh. :P

Witty-2-04

 

Here’s how:

  1. Follow @cjdesilva on Twitter and Like the Witty Will Save The World Facebook Page.
  2. Mag-comment sa post na ito at sagutin ang tanong na ito: Anong klaseng planner ka, at bakit? (Please explain in 2-3 sentences only.)
  3. Ang mananalo ay pipiliin ko. (Bakit ba?)
  4. Deadline ng mga sagot ay sa January 30, 2013. (Sorry at February ninyo na masisimulan ang planner na mapapalanuhan ninyo!)
  5. Paano kukunin ang inyong prize? Sana, okay lang sa inyo mag-meet sa Makati area, preferably sa may Greenbelt.

Pero kung gusto ninyo bumili para sa inyong loved ones, best friends and bosses, maari kayong bumili sa Witty Will Save The World directly for P399, FREE SHIPPING anywhere in the Philippines! Buy 10 and get 1 planner for free, oha! Text them at +63906-4652191 to order!

Special thanks to: Mark Baul for helping me come up with this. And of course, sa ever-entertaining na Witty Will Save The World. ;-)