Dear Tanya Zamora,
Hindi na kita i-Inglesin ng formal, kasi gaya nga ng pagkapakilala sa ‘yo, Senior Copywriter ka. Associate Creative Director ang label ko, pero alam kong ‘di hamak na mas magaling ka sa akin pagdating sa mga salita, or sa advertising-speak, sa “copy”.
Sinusulatan kita kasi gusto kong ipaalala sa ‘yo ang meaning ng position mo. Walang halong yabang, just stating a fact, alam ko ang pakiramdam ng isang senior. Hindi pa ako extremely senior, Creative Directors at Executive Creative Directors ang mga iyon. Sa bigger picture, medyo-senior lang tayo. Isang ranggo lang inangat mula sa junior. Anyway, mabalik tayo sa punto ko — Ano nga ba ang ibig sabihin ng “senior”? Marami kasi.
Isipin mo, bakit ka nga ba andyan? Dahil ba sa hardwork and awards? Consistency? Simpleng tenure? Or dahil ma-chika ka? Para sa akin, para maging “Senior” ka, may experience ka. Na connected sa susunod kong punto.
Una – Senior ka kasi may experience ka. Ibig sabihin may pinagdaanan ka. Nagsulat ka na ng maraming tagline na hindi pinili. Mga lyrics ng jingle na nirevise nang paulit-ulit ng kliyente hanggang ‘di mo na marinig ang mga orihinal mong linya. Mga TVC scripts na on-the-spot mong iniba habang shoot dahil ayaw sabihin ng talent mong celebrity. Malamang nagsulat ka rin ng banner ads na ‘di mo naman sure kung mayroong pumapansin o aksidente lang nilang na-kli-click. Ibig sabihin, naghirap ka rin. Nag-OT ka rin. May mga oras kang ipinagpalit ang mahal mo sa buhay (siguro ‘di lang sing-gwapo ni Clark) para sa trabaho.
Kaya napapaisip ako, bakit ganoon na lang kung tratuhin mo si Leah Olivar, na isang junior copywriter? Pinagdaanan mo ang kaba kung wala kang naibabatong idea sa brainstorming, ang kawalan ng inspirasyon o ng tamang salita. Pinagdaanan mo ang rejection. Kaya siguro naman alam mo na dapat sa ngayon kung paano mag-reject.
Ikalawa – Senior ka kasi inaasahan kang magbibigay ng direksyon. Bilang “mature” ka na, dapat alam mo kung paano magbigay ng feedbacks at comments. Na imbes na criticism, gagawin mo itong points of improvement, gagawin mo itong “builds”. Papagandahin mo ang trabaho dapat ni Leah. Pero hindi mo ‘yon ginawa. Instead, binigyan mo siya ng subjective at baseless na comment. At kung iisipin mo, on-strat ang tagline ni Leah. Kung ako ang nasa pusisyon mo, sasabihin ko kung ano ang maganda sa ginawa ni Leah pero sasabihin ko rin yung mga hindi nag-wo-work. Sasabihin ko ring magiging maigi kung may mga options pa siya. Magbaon siya ng maraming taglines na insightful. Humugot siya mula sa life experiences, sa life truths at hindi lamang mag-puns.
Ika-tatlo, senior ka at responsibility mong mag-motivate at mag-inspire ng mga mas bata kaysa sa ‘yo. Responsibility mong i-guide sila, i-empower sila. Hindi reason yung sinabi mong, “WHAT, I’M BUSY!” para hindi mo ayusin ang pakikipag-usap mo kay Leah. Nasa professional kayong lugar, hindi ba dapat alam mo na paano makipag-usap professionally?
At since nasa usapang responsibility na tayo, hindi ba’t responsibility mo ring ibigay kay Leah ang credit na tagline niya ang napili. Ika nga ni Leigh Reyes (ECD siya ng Lowe, just so you know), “When you make others shine, that light shines on all of us.” Ka-team mo naman si Leah, ‘di ba? So her victory is your victory. Huwag kang madamot.
Anyway, mahaba-haba na ‘tong open letter ko sa ‘yo, considering fictional character ka. Alam ko namang ang main purpose mo ay i-push forward yung plot. Hindi kita sinulatan kasi pa-sensitive ako sa trabaho ko sa Advertising. Gusto ko lang i-point out na nagkamali ka sa pagtrato kay Leah, bilang junior copywriter at bilang tao. Bakit ka ba ganyan? Yung boss mo ba dati naging mean rin sa ‘yo? Kung sakali mang inapi ka rin nung junior ka, parang mas okay yata kung iniba mo na yung culture. Sana imbes na nag-power trip ka kay Leah, naging inspiration ka na lang. Sana ipina-appreciate mo sa kanya yung process. Sana ipinaunawa mo sa kanya na minsan, kailangan mong i-push yung craft at creativity niya para sa ikakaganda ng trabaho ninyo at nang career niya. Sana binigyan mo siya ng kaunting hope at patience na kahit mahirap ang ginagawa natin, may mga naso-solve naman kayong business, social or design problems. At more than anything, sana ipinaalam mo sa kanya that brilliant ideas win over politics.
Kung sakaling na-offend ka sa sulat ko, pasensya ka na. Pwede naman tayong mag-coffee or cocktails, baka kasi stressed ka lang sa work. Teka, ‘te, may award ka na ba?
Sincerely,
P.S. Si Tanya Zamora ay isang fictional character sa hit TV series na On The Wings Of Love. Fan lang ako ng TV series. Pero gusto ko lang sanang mag-share ng strong feelings ko, reaction ba, sa episode last November 2, 2015.
Image Credit: Screengrab from I Want TV
I L-O-V-E IT!!! #Otwolista
Yeeeehey! Kainis kasi tong si Tanya. Mas nabwisit ako sa kanya kesa kay Angela. Haha.
I love this. Brilliant. Maraming makaka relate dito. Isa na ako dun, teary eyed when i am reading this. Kudos sa blogger.
Love it! Reminded me of a previous Boss.. Power trip, not cool! Thanks CJ!
Feedbacks. Orayt.
LOL
Ang lalim ng hugot mo te. Parang pinagdaanan mo yong pinagdadaanan ni Leah. But TRUE. A management style that’s motivational works best.
Chrew