The Witty Winner!
Unang-una, maraming salamat sa lahat ng sumali. Hindi ko in-expect na may papatol sa mini pakontes kong ito. Pero maraming salamat. Pangalawa, sobrang nakakaaliw ang inyong mga sagot! As much as gusto ko kayo lahat bigyan ng Witty Planner, dahil lahat ng sagot ninyo ay winner, isa lang ang pwede kong bigyan. Nahirapan ako pumili, I swear. Kaya nagpatulong narin ako sa mga friends from Witty Will Save The World sa pagpili ng mananalo. Tutal, sila naman ang tunay na witty. :)
Dear Undin, sobrang tawang-tawa kami sa iyong sagot. Para ma-claim mo ang iyong Witty Planner, email contact@cjdesilva the following information:
- Full name (for sure hindi naman talaga Undin ang pangalan mo, unless fan ang nanay mo ng Shake, Rattle and Roll at ni Manilyn Reynes)
- Mailing address
- Cellphone number
- Twitter name
At pag-usapan natin paano kita imi-meet para ibigay sa yo ang Witty Planner!
So, Anong Planner Ka?
May dalawang type daw ng tao sa mundo: ang mga planner at ang mga spontaneous.
Pero sa tingin ko, walang taong spontaneous - meron lang flaker at indecisive. Lahat tayo, nagplaplano. Nagkakatalo lang sa pagkabongga (time investment x emotional investment x gastos) at sa execution. At para panindigan ang opinyon kong walang taong spontaneous, heto ang classification ko ng mga planners:
Ang OA Planner
Also known as, “Pasan ko ang daigdig” planner. Para sa kanya, there’s only one plan - at plano niya yun. And it will seem like it’s always a matter of life and death - maski ang panonood ng latest na sine. Speaking of sine, most of the time, feeling ng isang OA planner e isang pelikula ang plano niya. At lahat ng tao sa paligid niya ay supporting roles lang, madalas nga ay extra lang. Aakuhin niya lahat ng responsibilities, pero magkaka-self pity moment siya na feeling niya ay alone siya in life.
Ang Paranoid Planner
Wala siyang tiwala nino man - sa mga tao sa paligid niya, minsan, sa sarili niya, pero most of the time, wala siyang tiwala sa life. Pero dahil doon, lagi naman siyang handa, may foresight siya at eye for details. Favorite word niya ang loopholes at siguro fan siya ng conspiracy theories.
Ang Flaker Planner
Usually, bina-brand ng isang Flaker Planner ang sarili niya bilang spontaneous. And it just follows na paiba-iba siya ng plano. Maaaring sa una ay charming ang tingin mo sa kanya (lalo na kung crush mo siya) pero later on ay nakaka-frustrate dahil sobrang malabo lang siyang kausap, at nakaka-hassle na yun. May tendency rin siyang maging selfish and inconsiderate of other people’s lives and time
Ang Clingy Planner
Kung familiar kayo sa TV series na Sex And The City, ang tawag nina Carrie Bradshaw sa Clingy Planner ay We-guy/We-girl. Ibig sabihin, para bang prefix na sa lahat ng plano niya ang English word na “we”. “We will go take photos in Quiapo.” “We will go shopping in Greenhills.” “When are we going to Nuvali to bike around?” Ang isang Clingy Planner ay para bang mamatay kung gawin niya ang plano niya mag-isa. Isa pang mark of a true Clingy Planner ay ang paulit-ulit na reminders tungkol sa plano ninyo - “Huy, ano na?
Ang Sneaky Planner
Siya na siguro ang opposite ng clingy planner dahil lahat ng plano niya ay secret. Malalaman mo na lang kapag nagawa na niya. At kahit kasama ka sa plano ay mystery ang lahat para sa iyo. Mahihilera mo na sa mga intelligence unit ang level ng discretion niya. Kapag tinanong mo siya kung kumusta ang plano, ang sagot niya ay either, “Wala naman” or “Ako na bahala.” But don’t fret, most of the time, swak lang ang plans.
Ang Kaladkarin Planner
“Kung kayang gawin ng iba, pagawa mo sa kanila.” ‘Yan ang mantra ng Kaladkarin Planner. Either tinatamad niyang mag-plan kaya nakiki-ride na lang siya sa plano ng iba or naiirita na lang siya sa OA Planner na lider-lideran kaya nag-le-let go na lang siya. Don’t mistake him or her to not have a plan. The master plan is to follow others’ lead.
Ang Witty Planner
Ito naman ang type ng planner na magiging good influence sa ‘yo para hindi lang hanggang March ka mag-jot down ng schedules, appointment, promises at doodles ng pangalan ng crush mo. Interactive ang isang Witty Planner. Di nauubusan ng sorpresa bawat araw - may funny, may witty, may kaloka, para naman ganahan kang mag-plan buong taon! Ito rin ang tanging planner na nagta-Tagalog!
So, sinong gusto ng isang Witty Planner? Magbibigay ako ng isa. Sorry, wish ko mang magbigay ng mas marami, gusto ko rin gamitin para sa sarili ko eh. :P
Here’s how:
- Follow @cjdesilva on Twitter and Like the Witty Will Save The World Facebook Page.
- Mag-comment sa post na ito at sagutin ang tanong na ito: Anong klaseng planner ka, at bakit? (Please explain in 2-3 sentences only.)
- Ang mananalo ay pipiliin ko. (Bakit ba?)
- Deadline ng mga sagot ay sa January 30, 2013. (Sorry at February ninyo na masisimulan ang planner na mapapalanuhan ninyo!)
- Paano kukunin ang inyong prize? Sana, okay lang sa inyo mag-meet sa Makati area, preferably sa may Greenbelt.
Pero kung gusto ninyo bumili para sa inyong loved ones, best friends and bosses, maari kayong bumili sa Witty Will Save The World directly for P399, FREE SHIPPING anywhere in the Philippines! Buy 10 and get 1 planner for free, oha! Text them at +63906-4652191 to order!
Special thanks to: Mark Baul for helping me come up with this. And of course, sa ever-entertaining na Witty Will Save The World. ;-)
“The object of art is not to make salable pictures. It is to save yourself.”
Dear Mama & Papa,
My boss (and mentor) shared this with me and instantly, I thought of you. It’s like what you tell me almost every day, encapsulated in a love letter of a father to his son.
This is my favorite part:
“It isn’t your success I want.
There is a possibility of your having a decent attitude toward people and work.
That alone may make a man of you.”
Love,
Cj
BECAUSE
Wincy and I would like to make it official.
Special thanks to my dear friends Ali Silao for the design and Mark Baul for the web development.
GRRRL SCOUT presents BOOT CAMP 4
Hello, boys and girls!
I've been very very very busy (can I stress it any further?) with a lot of things: mostly work, planning for a very special event (soon!) and a little bit of artsy projects. Yes, I make it a point to make at least one artsy project every two weeks so I keep myself inspired!
Here's my latest project, The GRRRL SCOUT's BOOT CAMP 4 poster. GRRRL SCOUT, as you all know is the newest production tag team of my good friend Saab Magalona and Candy Gamos. And I must say, it's every thing that is close to my heart: music and girl power! Thanks Saab for making me a part of this awesomeness!
So, see you guys? C'mon.
Here's the event page, c'mon and click GOING!
Don't forget to Like GRRRL SCOUT Manila's Facebook Fan Page and follow them on Twitter!