Ang Ikaklit Sa Aming Hardin
I illustrated Bernadette Neri’s Palanca Award winning children’s story entitled “Ang Ikaklit Sa Aming Hardin” (Ikaklit In Our Garden).
“Sa mahigit tatlong dekada ng modernong panitikang pambata sa Pilipinas, ngayon lamang nagkaroon ng kapangahasang talakayin ang mapagkandiling ugnayan ng magkatipang lesbiyana at ang hangad nilang bumuo ng pamilya. Kaparat-dapat ipagdiwang ito sa kapangyarihang makapagmulat. Hardin ang pangunahing simbolo ng aklat—isang santuwaryo at espasyong maghihilom sa mga sugatang damdamin. Ito rin ang pangunahing birtud ng aklat—ang itaguyod ang karapatang pantao, pagmamahal, at pag-unawa. Sa pagsasanib ng dalawang talento nina Bernadette Villanueva Neri at CJ de Silva, hinahangad ko ang pamumulaklak ng pinunla nilang bagong binhi sa landasin ng panitikan para sa bata.”
Eugene Y. Evasco, PhD
Presidente, Pilandokan: National Research Society for Children’s Literature