May dalawang type daw ng tao sa mundo: ang mga planner at ang mga spontaneous.
Pero sa tingin ko, walang taong spontaneous – meron lang flaker at indecisive. Lahat tayo, nagplaplano. Nagkakatalo lang sa pagkabongga (time investment x emotional investment x gastos) at sa execution. At para panindigan ang opinyon kong walang taong spontaneous, heto ang classification ko ng mga planners:
Ang OA Planner
Also known as, “Pasan ko ang daigdig” planner. Para sa kanya, there’s only one plan – at plano niya yun. And it will seem like it’s always a matter of life and death – maski ang panonood ng latest na sine. Speaking of sine, most of the time, feeling ng isang OA planner e isang pelikula ang plano niya. At lahat ng tao sa paligid niya ay supporting roles lang, madalas nga ay extra lang. Aakuhin niya lahat ng responsibilities, pero magkaka-self pity moment siya na feeling niya ay alone siya in life.
Ang Paranoid Planner
Wala siyang tiwala nino man – sa mga tao sa paligid niya, minsan, sa sarili niya, pero most of the time, wala siyang tiwala sa life. Pero dahil doon, lagi naman siyang handa, may foresight siya at eye for details. Favorite word niya ang loopholes at siguro fan siya ng conspiracy theories.
Ang Flaker Planner
Usually, bina-brand ng isang Flaker Planner ang sarili niya bilang spontaneous. And it just follows na paiba-iba siya ng plano. Maaaring sa una ay charming ang tingin mo sa kanya (lalo na kung crush mo siya) pero later on ay nakaka-frustrate dahil sobrang malabo lang siyang kausap, at nakaka-hassle na yun. May tendency rin siyang maging selfish and inconsiderate of other people’s lives and time
Ang Clingy Planner
Kung familiar kayo sa TV series na Sex And The City, ang tawag nina Carrie Bradshaw sa Clingy Planner ay We-guy/We-girl. Ibig sabihin, para bang prefix na sa lahat ng plano niya ang English word na “we”. “We will go take photos in Quiapo.” “We will go shopping in Greenhills.” “When are we going to Nuvali to bike around?” Ang isang Clingy Planner ay para bang mamatay kung gawin niya ang plano niya mag-isa. Isa pang mark of a true Clingy Planner ay ang paulit-ulit na reminders tungkol sa plano ninyo – “Huy, ano na?
Ang Sneaky Planner
Siya na siguro ang opposite ng clingy planner dahil lahat ng plano niya ay secret. Malalaman mo na lang kapag nagawa na niya. At kahit kasama ka sa plano ay mystery ang lahat para sa iyo. Mahihilera mo na sa mga intelligence unit ang level ng discretion niya. Kapag tinanong mo siya kung kumusta ang plano, ang sagot niya ay either, “Wala naman” or “Ako na bahala.” But don’t fret, most of the time, swak lang ang plans.
Ang Kaladkarin Planner
“Kung kayang gawin ng iba, pagawa mo sa kanila.” ‘Yan ang mantra ng Kaladkarin Planner. Either tinatamad niyang mag-plan kaya nakiki-ride na lang siya sa plano ng iba or naiirita na lang siya sa OA Planner na lider-lideran kaya nag-le-let go na lang siya. Don’t mistake him or her to not have a plan. The master plan is to follow others’ lead.
Ang Witty Planner
Ito naman ang type ng planner na magiging good influence sa ‘yo para hindi lang hanggang March ka mag-jot down ng schedules, appointment, promises at doodles ng pangalan ng crush mo. Interactive ang isang Witty Planner. Di nauubusan ng sorpresa bawat araw – may funny, may witty, may kaloka, para naman ganahan kang mag-plan buong taon! Ito rin ang tanging planner na nagta-Tagalog!
So, sinong gusto ng isang Witty Planner? Magbibigay ako ng isa. Sorry, wish ko mang magbigay ng mas marami, gusto ko rin gamitin para sa sarili ko eh. 😛
Here’s how:
- Follow @cjdesilva on Twitter and Like the Witty Will Save The World Facebook Page.
- Mag-comment sa post na ito at sagutin ang tanong na ito: Anong klaseng planner ka, at bakit? (Please explain in 2-3 sentences only.)
- Ang mananalo ay pipiliin ko. (Bakit ba?)
- Deadline ng mga sagot ay sa January 30, 2013. (Sorry at February ninyo na masisimulan ang planner na mapapalanuhan ninyo!)
- Paano kukunin ang inyong prize? Sana, okay lang sa inyo mag-meet sa Makati area, preferably sa may Greenbelt.
Pero kung gusto ninyo bumili para sa inyong loved ones, best friends and bosses, maari kayong bumili sa Witty Will Save The World directly for P399, FREE SHIPPING anywhere in the Philippines! Buy 10 and get 1 planner for free, oha! Text them at +63906-4652191 to order!
Special thanks to: Mark Baul for helping me come up with this. And of course, sa ever-entertaining na Witty Will Save The World. 😉
Ako ay isang Clingy Planner dahil gusto kong sulitin ang bawat oas na malakas pa ang pangangatawan kong mag lamyerda. Hindi nakakasawang mag-aya sa mga kaibigan lalo na’t handa silang sumama, konting lambing at ‘huy, ano na?’ message lang yan 🙂
Wow! Salamat Apple. 🙂 Will announce after Jan 30. 😉
I’m a Clingy planner kasi naniniwala ako na magiging maayos ang isang plano kung may kahati ka sa mga ideya at bagay-bagay. Iba ang pakiramdam pag nagiging matagumpay ang plano at may pinagbabahagian ka ng saya 🙂
I’m a KALADKARIN PLANNER and my friends can attest to that kasi isang text lang nila, game na game na ako. Minsan, sa di malamang kadahilanan, mga planong pinagpaplanuhan ay madalas na hindi natutuloy kaya minsan mas ok na lang rin na mag-go with the flow na lang.
Dating OA Planner, napagod kaya naging Kaladkarin (superkaladkarin). Then I realize di rin maganda yung ganun dahil nagiging dependent sa’yo ang mga tao at nawawalan ka ng oras para sa sarili. So I taught myself to say NO, thus I became a Flaker. Ngayon, nafi-feel kong naha-hassle naman yung mga tao sa pagiging Flaker ko so binabalik ko ang sarili sa pagiging kaladkarin, pero moderate na lang. 🙂
Ako ay isang certified OA PLANNER bakit? Kasi unang una sa lahat dati naisip ko n ay gagawin ko syang friend ko dhil alm ko behind those mysterious and eccentric attitude of him alm ko there Is MORE THAN THAT pa. Kaya sya ganun kasi may something or may deeper side of him p n dpt kong ma invade at MAIAYOS. I want evrything in place for that person. Kala ko ok un pero isang MALAKING “JOKE” un. I can save him from oblivion.. Say whuut isang kahangalan. Ahahaha. Ngayon napagtatnto ko ansabi sa instructions e explain ur answer in 2 to 3 sentences only. So ngaun pa lang i disobeyed the rule so where does may ka-OA now? It is all gone. Mas ok na ang TARA, dun tayo! Isa na akong the newly converted KALADKARIN PLANNER
HAHAHAHAHA! Nakakaaliw naman ito, love story mo ba ito? May heartache akong nadedetect! Sige, pag nanalo ka ng planner/diary, may maisusulat ka nang kwento. 🙂 Bibigyan ka pa ng advice ng Witty Planner. 😀
Pero naiintindihan kita. 🙂
Love story ko ba un? Hmm abangan ang susunod na kabanata. No more heartaches LOVE LOVE LOVE
Ako ay isang Clingy Planner dahil masaya mangdamay ng tao, parang “karamay sa hirap at ginhawa” levels lang. Kung sakali mang may pumalpak sa plano niyo, pwede rin kayong magsisihan hanggang sa pagtawanan niyo na lang. Lastly, tulad sa isang extra rice, may extra at libreng bonding moments din ang pagpa-plano together. 🙂
Actually, combination ako ng pagiging Secret Planner at OA Planner. May pagka-multiple offender ika nga. Kung minsan isang type lang ang napproject halimbawa sa pagiging OA planner, na tipong LAHAT ng detalye at possible na magiging consequence ay dapat alam ko. Minsan lumalabas din ang pagkasecret planner ko lalo na at lumalabas ang pagka-old school ng lola ko pero sa mga tipong gala lang naman at hindi sa mga pagka-ilegal na bagay 😉 Also, nagiging combination din sya minsan lalo na at gusto kong mas malayo or dangerous ang lakad (i.e. river rafting, trekking) 😉 Sana mapili mo ko, para mas magiging effect ang mga eksena sa 2013 ko! ^_^ God bless! And Congratulations in advance sa inyo ni Wincy!
P. S. Hindi pa ako nananalo sa kahit saang raffle, sana manalo na ako this time. Heheheh!
Kaladkarin Planner. Ayoko kasi na ako yung nagseset ng plans samin ng mga kabarkada ko, dahil madalas di natutuloy. Haha! Kaya kung ano nalang trip nila, teks lang nila ako.. game na! :)) Sabi nga ng mga kaibigan ko, parang “hipon” lang daw ako. Sunod sa agos nila. Hihi
Ako ay isang LECHE PLANNER. Kasi kalakip ng pag propose ko ng palpak ng plano ang collective “Leche!”galing sa mga kaibigan ko. -either that or i’m just hungry right now. 🙂
Ako ay witty planner, i have been witty all this time, i love playing games any game at all, i can light up a room kahit gaano pa to kadilim, please pick me 🙂 <3
Ako ay isang CLINGY PLANNER. Dahil gusto ko na may kasama ako sa bawat lakad o gala na gagawin ko. Lahat ng araw sa planner ko, binabanggit ko kung sino ang mga kasama ko, kahit na paulit-ulit ko na silang kasama. Dahil mahal ko ang pamilya at kaibigan ko, gusto ko na iparamdam ko sa kanila na kasama sila sa araw-araw kong paglalakbay. ♥
Ocge na nga, ako ay isang OA Planner/pakialamera na hindi ako masaya kapag wala akong participation sa pagpaplano. Lahat ng gagawin ko naka-checklist, ang trips ko dapat may sinusunod na itinerary.
Ang witty planner syempre, dahil like this planner i’m full of surprises din at may nakakaloka moments din sa life. Pero kahit funny and witty, may sense pa rin diba? 🙂
Witty-slash-kaladkarin planner! Kasi sinusulat ko sa planner ko ang mga.. well.. plans ko at kung anu-anong bagay, pati mga sticky notes andon na din. Kaladkarin din ako madalas, yung tipong mami-meet ko lang bigla ang ilang orgmates/friends sa sakayan ng jeep tas di ko namalayan, pupunta na kami sa kung saang pasta and pizza eat-all-you can. 🙂
Kahit gusto ko man maging witty planner, kaladkarin slash clingy planner ako. sumusunod lang ako sa plano basta kasama ko naman yung mga gusto kong makasama! haha! kahit gaano pa ka-bad trip yung mga nangyari sa araw ko, magiging masaya pa din naman basta nga kasama ko yung mga mahal ko sa buhay- kaibigan, pamilya, boypren. hihi. <3 shocks, sobrang idol ko po kayo!!! <3 🙂
Ako ay isang OA na planner. Ako na lang palagi ang nagpa-plan ng lahat lahat. Do I sound like self-pitying na? Kasi ang kasama ko sa mga lakad ko nanay ko (senior citizen) at anak ko (10 years old). Kaya sino pa ba ang aasahan naming maging OA planner? Ako na di ba?
KALADKARIN-SNEAKY-FLAKER-PARANOID-OA PLANNER! ganto ako pag nagppms ako! tatamad tamad, mamaya, magstastalk kay crush sa fb habang nag iingat na baka makita ni bf ang browsing history, tapos kakain ng kain, pag napatingin sa salamin, mapaparanoid sa bilbil kahit wala naman. pag sinumpong magdradrama kay bf -takbuhan e no?
pero syempre, pag normal days lang naman. CLINGY/WITTY planner ako. simple lang ang plano ko. ang kumain ng kumain, gusto ko kahit asan ako may pagkain ako. ang ofcourse maging witty para kay bf. 😀
Definitely a witty planner with a dash of flaker and paranoid! Mahilig akong magdoodle ng random words na magandang pakinggan (kahapon, ‘innocuous’ yung word ko). Then a few thought bubbles of funny conversations between friends. And I think my flakiness can be justified by my youth(gustong gawin lahat) and indecisiveness! Gusto ko kasi, pag may gagawin ako, it all goes smooth as planned! Which brings me to my paranoid-ness! This is probably why I feel like I haven’t lived enough (at 21, haha), sa dami ng bagay na gusto kong gawin, di ko alam anong uunahin ko sa aking “grand plans” at takot akong pumalpak. Hay nako, live and let live na dapat mantra ko. Anyway, that’s all! ^_^
haha sorry CJ, pinaikli ko na yung akin!
Witty planner with a dash of flaker and paranoid! Mahilig ako magsulat ng random words na magandang pakinggan (kahapon ‘innocuous’ yung word ko) tsaka gagawan ko ng comics ang madramang buhay ng mga kakilala ko (exaggerated version). Yung flakiness can be justified by my youth (gustong gawin lahat) and indecisiveness kasi I want things to go close to perfect which brings me to my paranoid-ness! 🙂
I can say na ako ay isang sneaky planner dahil mahilig akong
maglihim. Minsan, mas gusto ko ang nililihim muna ang aking mga plano at pag
sure na sure na, saka ko pa lang ito ibinubunyag sa madlang friends ko para
hindi sila masyadong mag expect. Hihi! Less expectations, less pain, less
worries ika nga nila — pag-ibig lang ang peg 😉
As much as i wanted to be a witty planner pero Clingy + Paranoid planner ako. Malaki kasi ang circle of friends ko kaya gusto ko kasama sila sa mga plano pero may pagka paranoid din kasi may plan A-Z akong ready incase di pwede kami dito sa next plan naman kami hanggang maswak sa lahat!
Feeling ko, ako ay isang witty planner kasi gusto ko araw-araw may kakaiba at kasiya-syang mangyayari.. 🙂 At dahil madalas din akong bigo sa pag-ibig baka maging asset ko ang witty planner na yan! hihi 😉
isa akong kaladkaring planner dahil:
1. gumawa talaga ako ng twitter account para makasali dito.
2. simula ng maging nanay ako (6 weeks na ang supling) ay go lang ng go kung ano gusto niya. gustong kumain, pakainin. gustong matulog, patulugin. kahit anong gusto niya, dun na! follow the baby-leader kahit wala pang tulog, hindi pa naliligo at amoy kung ano-ano na. hehe.
Sadly, isa akong Flaker Planner dahil spontaneous ang unang word na panglarawan ko at ng mga kaibigan ko sa akin, sumunod na dito ang pagiging malabo at syempre charming (ehem). Totoo naman kasing spontaneous ako sapagkat anytime may crazy idea ako na gagawin pero kapalit nito ay ang pagiging malabo ko sa aking mga kagustuhan at pagtago sa aking ball of sadness randomly kaya nakakasira ng plano ng ibang tao. Totoo ring charming ako kung mananalo ako dito. Mwehehehe.
Ngayon, isa akong Sneaky planner dahil nadala na ako noon sa pagiging OA planner. Kasi mas ok muna mag solo mas kontrolado ang plano mas natutuloy (para sakin hehe) At medyo Kaladkarin/Clingy para kahit papaano join sa kahit anong lakad, gulo no? kaya kelangan ko ng din bagong planner para maging witty 😛
Isa akong sneaky planner dahil sobrang hindi ako pabor na magkaroon ng high expectations ang mga tao sakin. Hindi talaga ako sigurado sa aking mga kakayanan at tinatamad akong sukatin ang mga ito, kaya naman kung successful ang experiments, saka ko nalang ish-share. Ang mga sneaky planners ay win-win strategists lang naman talaga :))
Isa akong FLAKER PLANNER dahil paiba-iba ako ng plano. Sa umpisa lang ako nagpaplano pero at the end nagiging spontaneous na ako. At dahil nga sa aiba-iba kong plano, nafufrustrate ako dahil dumadaan ang araw ay wala ng nangyayari sa mga pinaplano ko. Madalas, nagiging CLINGY PLANNER din ako dahil gusto ko, yung mga gagawin ko eh may kasama ako. Mas nakakawala kasi ng kaba at alam mong may karamay ka ano man ang mangyari.
Ako ay isang “anything goes” planner. Pwede akong kaladkarin kahit saan, sneaky ako kasi di lahat sinasabi ko at paranoid din kung minsan dahil dami ko naiisip. In short, ganun ako ka-witty!
Ako ay 1/2 Kaladkarin at 1/2 Sneaky Planner (wow new breed HAHA) sapagkat ako ay mahilig maki-ride sa plano ng barkada, ‘yung tipong “Sige g ako”, “Game”, “Sama akechi!” … ang forever game na tao! Maliban na lamang kung may nakahandang plano na iba, dito lumalabas ang aking pagka-Sneaky planner, malalaman na lang kung bakit ‘di ako sumama ‘pag tapos na ang lahat! Pero higit sa lahat, ninanais kong maging Witty Planner, ang Planner na kahit anong mangyari alam at ‘di nauubusan ng mga pangyayari! :))
Hmm… Kung isa akong planner, ano ako? Aaminin ko, ako ay isang PARANOID x OA x WITTY (na din) na planner 😀 Part na ng pagkatao ko yung magpanic,mapressure at higit sa lahat mastress (haha! at masaya pa ako dun) pero I make sure na lahat ng mga pinagkakastress-an ko eh yung mga nasa planner lang, haha at least I have goals. At astig talaga sa lahat eh yung security features ng planner!!! XD
Ako ay Kaladkarin Planner st Sneaky Planner at the same time: game ako sa mga plano ng barkada, kahit biglaan. Diba nga, kapag pinaplano, mas lalong hindi natutuloy, yun ang side effect ng Paranoid planner. Well, in case naman na may mga bagay na dapat talagang pinaghahandaan, I became a sneaky planner ayoko kasi ng masyading naiistress sa mga bagay bagay, kalma lang diba! ayoko ng OA. Kalaban ko ang OA at Paranoid Planner 🙂
Isa akong Sneaky Planner dahil naniniwala akong mas safe ang mga lakad at planong gagawin sa utak. Sinusulat ko lang sa planner ang lakad kapag tapos na dahil (1) ayokong mag-cross out ng mga di natuloy na lakad sa planner dahil papangit, (2) baka mawala/malaglag at manakaw ang aking mga ideas at (3) baka malaman ni Nanay na planado ang “overnight” with friends. 😀
Ako ay isang “Witty Planner” dahil katulad ng nasabing planner, ako’y unpredicatable. Minsan, mabait, minsan masungit, minsan makulit, minsan madrama … at kung ano-ano pa. In other words, hindi ako boring! Parang Witty Planner 😀
Ako ay isang kaladkarin planner kasi saan ako yayain, sumasama ako. Mapa-mcdo, jollibee, maginhawa, EK, guijo o b-side pa yan. Dahil tamad ako at tamad magplano, nakaasa palagi ako sa aking mga mahal sa buhay. Dahil din dito, laging high blood ang aking nanay dahil wala raw akong hindi hinihindian.
Ako ay isang Paranoid Planner kasi yung dapat na isa o dalawang plano, nanganganak at dumarami. Lagi akong may naka-set na pros and cons kung matuloy man yung plano o hindi. Tipong, may contingency plan pa. 🙂
Ako paranoid planner to the disdain of my friends. Nega vibes daw ang alamin kung saan ang ospital sa isang lugar. :-/
Clingy Planner I think, Parang I can’t enjoy myself doing what I’ve planned without having the company of someone else.